Happy Seafarer Day!
Para sa mga Marino,
Na patuloy na…
Bumabangon
Naglalayag ano mang panahon
Nagdadala ng mga pangangailangan
Naghahatid sa mga mamamayan
Bagama’t may takot at pangamba
Lungkot na nadarama
Malayo man sa mahal sa buhay
Tuloy lang ang paglalakbay
Salamat sa inyong pambihirang
Lakas, Sipag, ay Tiyaga,
Serbisyo, Sakripisyo, Pananampalataya,
At Puso na nanatiling bukal
Nagtitwala sa Poong Maykapal
Taos puso ang aming respeto at pagsaludo,
Mabuhay kayo!
Sa lahat ng mga Marino
Pabaon nami’y yakap
pagmamahal at taimtim na dasal
Sa inyong patuloy na paglalayag, nawa’y lagi kayong ligtas
Hanggang matagpuan ang masaganang bukas
Padayon, Marino.